Rose Gail Conchada's profile

Tangi |Song for Youth Engagement for Global Action 2020


“Tangi”

SK Provincial Lingo ng Kabataan
Youth Engagement for Global Action 2020;
Infanta, Quezon 1st Runner Up

Lyrics: Marra Lanot and Rose Gail Conchada
Music: Rose Gail Conchada and Christine Joyce Nakar
Performed by: Rose Gail Conchada and Christine Joyce Nakar
Videography by: Rand Patrick Corleto 
LYRICS
Tangi

I
Matalas ang hawak hawak mong panulat
Dunong ‘di sa aklat nasusukat
Pagpapahayag ng iyong munting tinig
Ay dilig sa binhing nasa bisig ihiig

Refrain: 
Sarili mo’y ibilang sa marami 'pagkat
Kasaysayang iginuguhit mo ay natatangi

Chorus:  
Nasaan man ang iyong mga yapak,
(ano mang tinatahak)
Bawat hakbang mo ay tumatatak
(ano mang tinatahak)
Masdan ang iyong anino
Sinong nagsabing wala na, hindi ka totoo
Binabago natin ay iisang mundo


II
Huwad ang kanilang tinuran
Na paslit ay salat sa nalalaman
Ikaw ay piraso ng kabuoan
Tugon sa tunggali ang iyong tangan

Refrain: 
Sarili mo’y ibilang sa marami 'pagkatiwalaan
Kasaysayang iginuhit mo ay natatangi

Chorus:  
Nasaan man ang iyong mga yapak,
(ano mang tinatahak)
Bawat hakbang mo ay tumatatak
(ano mang tinatahak)
Masdan ang iyong anino
Sinong nagsabing wala na, hindi ka totoo

Binabago natin ay iisang mundo

Bridge:
Patuloy ang laban ng laya
Sa tahanang tayo ang katiwala
Supling payayabungin ka ng panahon
sa Diyos at bayan katapan ay ituon

Chorus:  
Nasaan man ang iyong mga yapak,
(ano mang tinatahak)
Bawat hakbang mo ay tumatatak
(ano mang tinatahak)
Masdan ang iyong anino
Sinong nagsabing wala na, hindi ka totoo

Binabago natin ay iisang mundo
Tangi |Song for Youth Engagement for Global Action 2020
Published:

Tangi |Song for Youth Engagement for Global Action 2020

Published: